Dating editor ng Remate, patay matapos barilin sa loob ng pag-aaring salon sa Quezon City

Patay ang dating editor ng pahayagang Remate matapos pagbabarilin sa pagmamay-ari nitong salon sa Barangay Apolonio Samson sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Gwenn Salamida. Sugatan naman ang kasamahan nito na si Oliver Perona.

Batay sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang pamamaril bandang alas-3:30 kaninang hapon sa GOCT salon sa Kaingin Road, Apolonio Samson.


Pinasok umano ng ‘di pa nakikilalang lalaki ang salon para mang-holdap. Pero, nanlaban umano ang babae dahilan para barilin ito ng suspek.

Tumakas ang salarin matapos ang pamamaril at ‘di pa malinaw kung may nakulimbat na salapi ang suspek.

Facebook Comments