Dating Egyptian President, binawian ng buhay habang nasa korte

Pumanaw sa edad 67 si Egyptian President Mohamed Morsi.

Si Morsi ang kauna-unahang democratically elected head of state sa modern history ng Egypt.

Nasa Cairo Court si Morsi habang siya ay nililitis sa espionage charges nang bigla siyang nag-collapse habang nagsasalita.


Dead on arrival siya sa ospital.

Ayon sa abogado ni Morsi, humina ang kanyang kalusugan mula nang makulong siya.

Isinilbi ni Morsi ang 20-year prison sentence dahil sa pagpatay sa mga demonstrador noong 2012 at habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong pang-eespiya.

Nagpaabot naman ng pagluluksa at pakikiramay si Turkish President Tayyip Erdogan.

Facebook Comments