Manila, Philippines – Nakalaya na si dating Egyptian President Hosni Mubarak matapos ang anim na taong pagkakakulong.
Ito ay matapos ibasura ng korte ang kanyang kaso tungkol sa umano’y pagpatay ng 800 protesters.
Mula sa Maadi Military Hospital, diniretso agad ang 88 anyos na dating Pangulo sa bahay nito sa Cairo.
Matatandaang si Mubarak ay nanungkulan ng tatlong dekada bilang Pangulo ng Egypt nang ito ay mapatalsik dahil sa anomalya noong 2011.
Facebook Comments