Dating empleyado ng POGO, huli matapos magbenta ng ilegal na IMSI Catcher

Nadakip ng mga operatiba ng Cyber Security Unit sa pamamagitan ng entrapment operation sa Alabang, Muntinlupa kagabi ang dating electrician ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil sa pagbebenta ng iligal na IMSI Catcher/ SMS Blaster machines.

Ayon kay Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Director PBGen. Bernard Yang, naaresto sina alias Omar at kanyang live-in partner na si alias Eva matapos madiskubre ng mga awtoridad ang pagbebenta nila online ng nasabing illegal devices.

Kabilang sa mga nakumpiska sa dalawang suspek ay


1. Two (2) pieces 16 port IMSI Catcher;
2. Two (2) pieces 32 port IMSI Catcher;
3. 40 pcs Antennas
4. 4 pcs power supply

Ani Yang, lubhang delikado na mapasakamay ito ng mga kawatan dahil maaari itong magamit sa panloloko o pang scam.

Paliwanag pa ni Yang, sa pamamagitan ng nasabig device ay pupwede itong magamit sa pagpapadala ng mga link na kapag na click ay maaaring magka-access ang mga scammers sa personal details ng kanyang mga biktima.

Sa ngayon, hawak na ang mga suspek ng mga otoridad at nahaharap sa patong patong na reklamo tulad ng Misuse of Device ng RA No. 10175 o Cybercrime Prevention Act, RA No. 10173 o Data Privacy Act at RA No. 10175 o Philippine Radio Control Law.

Facebook Comments