Ayon kay Senate President Tito Sotto III, hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating empleyado ng Smartmatic na umano’y naglabas ng mga confidential na impormasyon kaugnay sa nalalapit na eleksyon.
Sabi ni Sotto, binanggit ito ng NBI sa isinagawang executive session kahapon ng Senate Committee on Electoral Reforms ukol sa umano’y security breach o data breach sa Smartmatic.
Binanggit ni Sotto na binigyan din sila ng kopya ng NBI affidavit ng nabanggit na empleyado pero hindi nila maaaring isapubliko.
Lumabas sa executive session ng Senado na inilabas umano ng nabanggit na empleyado ang laptop ng Smartmatic at ipinakopya sa iba.
Sabi ni Sotto, hindi disgruntled ang naturang empleyado kundi corrupted dahil inalok umano ng pera kapalit ng nailabas na impormasyon mula sa Smartmatic.