Dating ES Salvador Medialdea, pumalag sa 20k na bilang ng biktima umano ng EjK sa ilalim ng Duterte administration

Umalma si Dating Executive Secretary Salvador Medialdea sa lumobong bilang ng sinasabing biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Sa pagdinig ng House Committee on Human Rights, itinanggi ni Medialdea na may accomplishment report ang Office of The President mula July 1,2016-Novermber 27,2017 na nagsasabing may 20,322 na napatay sa war on drugs.

Kinukwestyon ni Medialdea ang datos na ipinakita ni Attorney Benjamin Diokno ng Free Legal Assistance group kasabay ng pagtangging may nakitang siyang ganitong report mula sa Office of The President.


Kinukwestyon din ni Mediadea ang iba iba umanong datos hinggil sa EJK.

Ayon kay Diokno, mula sa nabanggit na panahon mayroon pa umanong 3,967 na napatay sa police operations at 16,355 pa na mga death under investigation o napatay ng mga riding in tandem sa nabanggit na panahon.

Sa pagtatanong ng mga mambabatas, lumilitaw na ang datos ay kinuha mula sa extended resolution ng Supreme Court enbanc na duminig sa isang kaso ng EJK na isinampa noong 2017.

Sa kasalukuyan, tinatanong naman ang isang journalist upang ipaliwanag kung saan nila nakuha ang mga datos ng report nila hinggil sa EJK figures.

Facebook Comments