Nilinaw ng dating executive assistant ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na walang nag-udyok sa kanya sa pagbubulgar ng umano’y korapsyon sa ahensya.
Sa isang pahayag, sinabi ni Jeff Gallos na ang pag-uugnay sa kanya sa makakaliwang grupo ay walang basehan.
Ito aniya ay malinaw na redtagging at harassment para siya ay takutin o patahimikin.
Giit ni Gallos, wala siyang kaugnayan sa Manibela.
Dagdag ni Gallos, ang kaniyang paglalantad ng katotohanan ay base sa kaniyang konsensya.
Nilinaw pa ni Gallos, wala siya binanggit na personalidad o kung sino sa Department of Transportation (DOTr) at Malakanyang ang may kinalaman sa anomalya sa nasabing ahensya.
Facebook Comments