Dating Executive Secretary Oscar Orbos, itinalagang acting Chairman ng PTV

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Executive Sec. Oscar Orbos bilang acting Chairman at miyembro ng Board of Directors ng People’s Television Network Inc. (PTV)  na kakatawan sa private sector.

Si Orbos ay naging Executive Secretary at kalihim ng Department of Transportation and Communications sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Naging kongresista at gobernador din ito sa Pangasinan at naging co-host ng “Debate with Mare at Pare” sa GMA-7, kasama si Prof. Solita Monsod.


Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos ang political analyst na si Antonio Contreras bilang acting Vice Chairperson at Board of Director member ng PTV bilang kinatawan ng educational sector.

Ipinuwesto rin si Katherine Chloe de Castro bilang Director General ng Philippine Information Agency, at Atty. Francis Carlo Taparan bilang Director IV ng national printing office.

Facebook Comments