
Ayaw ni dating Finance Secretary Benjamin Diokno maging bahagi pa ng Maharlika Invesment Corporation.
Sa panayam kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nitong tinanong niya si Diokno kung gusto nitong magsilbing liaison ng gobyerno at ng pribadong sektor kaugnay sa Maharlika Corporation.
Pero tumanggi ito dahil ramdam niya raw na ang sovereign fund ay hindi niya expertise.
Kaya naman ayon sa pangulo, nagpasya ang kalihim na bumalik na lamang sa monetary board ng Bangko Sentral Pilipinas (BSP).
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pangulo kay Diokno para sa serbisyo.
Facebook Comments









