Dating first gentleman Mike Arroyo, pinayagan ng Sandiganbayan na makabiyahe ng Taiwan

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan 7th division si dating first gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo na makabiyahe sa Taiwan mula February 2 hanggang 6, 2018.

Kailangan namang mag-report ni Arroyo sa Division Clerk of Court matapos ag limang araw pagbalik nito ng bansa.

Sa mosyong inihain ni Arroyo, tanging ang itinerary at hotel accommodation lang ang inilagay nito at wala ang rason ng kaniyang pagbiyahe.


Hindi rin nakalagay sa mosyon kung makakasama ba nito ang kaniyang aswang si Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Si Arroyo at labing siyam na iba pa ay nahaharap sa kasong graft dahil sa maanomalyang pagbili ng PNP choppers sa Lionair Inc.

Facebook Comments