Dating first lady Imelda Marcos, nasa maayos na kalagayan

Nasa maayos na kalagayan si dating first lady at Ilocos Norte Representative Imelda Marcos at hindi nabiktima ng food poisoning.

Ito ay ayon sa chief of staff ni ginang Marcos na si Bebot Diaz.

Ayon kay Diaz, Marcos loyalist groups ang organizers ng birthday celebration ni Marcos sa Ynarez Gym sa Pasig City kung saan naganap ang food poisoning.


Sa pinakahuling report, nasa 137 katao na mga dumalo sa selebrasyon ang isinugod sa ospital matapos makaramdam ng pagsusuka at panghihilo matapos makakain ng handang adobo.

Facebook Comments