Nanawagan sa gobyerno ng Netherlands ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pabalikin na sa bansa si Jose Maria Sison, founder ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Ayon kay Usec. Nonoy Catura, Tagapagsalita ng NTF-ELCAC, dapat itong maibalik sa Pilipinas at mapagbayaran ang mga kasalanan sa mga paglabag sa International Humanitarian Laws.
Habang kabilang din sa mga dapat nitong harapin ay ang pagpapasabog ng anti-personnel mine ng mga NPA na ikinamatay ng football player na si Keith Absalon at ng pinsan nito.
Sa ngayon, itinuturing ni Catura na ang maling pagpatay kay Absalon ang susi upang maisakatuparan ang kanilang panawagan.
Facebook Comments