Tinanggal na sa serbisyo ni Lieutenant Colonel Jigger Noceda, dating head ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center dahil sa reklamong sexual assault ni dating Ozamiz Vice Mayor Nova Princess Parojinog.
Si Parojinog ay kasalukuyang nakakulong sa Custodial Center dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, nagpalabas na ng desisyon ang National Police Commission (Napolcom) nitong March 25.
Agad namang naghain si Noceda ng motion for reconsideration sa kaso pero na-deny nitong June 13.
Sa ngayon, mayroon pang naka-pending na appeal si Noceda sa National Appellate Board (NAP) na nasa ilalim ng Napolcom.
Si Noceda ay nasuspide nitong October 2020 matapos maghain si Parojinog ng kasong rape, acts of lasciviousness, unjust vexation, at violation of the Safe Spaces Act.