Dating health secretary, kontra sa pagpapatigil sa paggamit ng AstraZeneca vaccine sa mga may edad 59 pababa

85

Tutol si dating Health Secretary Paulyn Ubial sa pagsuspinde ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng bakuna ng AstraZeneca sa mga wala pang 60 taong gulang.

Ayon kay Ubial, ang ginawa ng DOH ay lalong nagdulot ng pag-aalinlangan ng publiko sa pagbabakuna ng gobyerno.


Wala naman kasi aniyang napatunayang serious adverse event kaya’t premature o masyadong maaga ang desisyon ng DOH.

Kinuwestiyon pa ng dating kalihim kung paano ipaliliwanag ng DOH ang aksyon nito lalo na kung talagang magkaroon na ng insidente na may nabakunahan na makaranas ng pamumuo ng dugo o pagbaba ng platelets.

Facebook Comments