DATING HEPE NA SUSPEK SA PAMAMARIL SA SANTIAGO, NAPASAKAMAY NA NG MGA OTORIDAD

CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang matagal ng pinaghahanap na suspek sa pamamaril at pagpatay sa isang magsasaka noong ika-3 ng Hunyo sa Brgy. Nabbuan, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Danilo Buan, dating Hepe, at residente ng nasabing lugar habang ang biktima ay si Sonny Julian Sr..

Sa panayam ng IFM News Team kay Chief Of Police ng Santiago City Police Office Station 4 PCapt. Hassan Nor Damac, naisilbi ang warrant of arrest sa suspek noong ika-28 ng Mayo sa City Hall ng Santiago.


Aniya, hindi masasabing kusang sumuko ang suspek dahil hindi ito nakikipag-ugnayan sa mga otoridad kung saan isinilbi sa kanya ang warrant of arrest sa kasong murder.

Dagdag pa niya, ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pakikipagtulungan ng kanilang istasyon sa pangunguna ng City Lead Unit.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng BJMP kung saan ang kasong isinampa sa kanya ay walang kaukulang pyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Facebook Comments