Manila, Philippines – Pinatawan ng syamnapung araw na preventive suspension ang dating Albuera PNP Chief of Police na si Police Chief Inspector Jovie Espenido.
Ito ay dahil sa reklamo ni Ormoc, Leyte Mayor Richard Gomez, matapos siyang pangalanan ni Espinido sa pagdinig sa senado na isa ito sa mga sangkot sa illegal drug trade sa Leyte.
Sabi ni Espenido, epektibo ang preventive suspension sa kanya nito pang nakalipas na July 16 2017 na inilabas ng National Police Commission.
Pero nilinaw naman ni Atty. Rogelio Casurao, Vice Chairman ng NAPOLCOM na ang inilabas na kautusan ay hindi pa isang penalty o parusa.
Ayon kay Espenido tanggap naman niya ang suspensyong ito kung ito ang nararapat.
Mas maigi aniya ito dahil makakapag-pahinga siya at maranasan kahit sa sandali ang buhay-sibilyan.
Ayon naman kay PNP Spokesperson Senior Supt. Dionardo Carlos, nagtalaga ng OIC sa Ozamis police pero binawi rin kaagad ang suspension order dahil nagsumite ng motion for reconsideration si Espenido.
*tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558*