Dating House Speaker Alan Peter Cayetano, bukas sa pagtakbong Pangulo; handa umano siyang makipag-usap sa kampo ni Senador Manny Pacquiao

Ipinahayag ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano na kinukunsidera niya ang pagtakbo sa pagka-presidente.

Pero, hindi niya umano inaalis ang posibilidad na kumandidato sa iba pang posisyon sa 2022 elections.

Bukas din aniya siyang makipag-usap sa kampo ni Senador Manny Pacquiao.


Gayunman, nilinaw niya na bago magkaroon ng pag-uusap, dapat aniya na malinaw ang 5 year plan ni Pacquiao kaugnay sa mga suliraning kinakaharap ng bansa partikular ang pagharap sa pandemya, ang pagpapasigla ng ekonomiya at sa mga programa para sa kapakanan ng mga OFWs.

Ani Cayetano, kahit mistulang iniwan siya sa ere ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pagsuporta niya rito sa mga panahong hinamon ang liderato nito, hindi naman siya nagtatampo.

Nauna rito, hindi nabanggit ang pangalan ni Cayetano sa mga posibleng iendorso ni Pangulong Duterte na maging presidentiables.

Umaasa na lang si Cayetano susuportahan ni Pangulong Duterte ang isinusulong niyang 10 thousand ayudang pinansyal sa mga pamilyang Pilipino.

Facebook Comments