Dating House Speaker Alvarez, annulled na kay Emelita Apostol

Kinumpirma ni Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez ang annulment ng kasal nila ng asawang si Emelita Apostol Alvarez.

Sa desisyon ni Makati City Regional Trial Court Branch 144 Judge Marie Picardal-Tecson, idineklara niyang “null and void” ang kasal nina Alvarez at Apostol dahil sa kawalan ng marriage license at kabiguang sumunod sa Family Code.

Si Alvarez, na nagsilbing House Speaker mula 2016 hanggang 2018, ay kilalang nagsusulong ng pagsasalegal ng divorse at dissolution of marriage.


Sa ilalim ng kanyang liderato, ipinasa ng Kamara ang panukalang batas ukol dito.

Gayunman, hindi ito nakalusot sa Senado noong 17th Congress.

Isa pang bersyon ng panukala ang inaprubahan ng House Committee on Population and Family Relations na nakatakda nang iakyat sa deliberasyon ng plenaryo.

Facebook Comments