Inilibing na kahapon, Pebrero 18, 2026, ang yumaong dating House Speaker Jose de Venecia Jr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City matapos ang isang seremonya na may full military honors.
Isinagawa ang isang funeral Mass sa Heritage Memorial Park sa Taguig noong umaga bago ang interment.
Sa Libingan ng mga Bayani, binigyan siya ng mga ritwal kasama ang pagmartsa at 21-gun salute bilang paggalang sa kanyang mahabang pagseserbisyo sa bansa.
Sa libing, dumalo ang mga prominenteng opisyal, kasama ang pamilya at mga kaibigan ni Manong Joe.
Hindi lamang sa Pilipinas naitaguyod ang pag-alala sa kanya; ayon sa pahayag ng pamilya, may mga dayuhang dignitaryo at mga kaalyadong internasyonal na naglakbay papunta sa bansa upang magbigay pugay, na nagbigay -diin sa lawak ng impluwensya ng kanyang buhay at serbisyo.
Si De Venecia ay pumanaw noong Pebrero 10, 2026 sa edad na 89 at kilala bilang pinakamatagal na nagsilbing Speaker ng House of Representatives sa post-war era ng Pilipinas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










