Dating hukom sa kaso ni De Lima, inireklamo sa Korte Suprema

Naghain ng administrative complaint sa Judicial Integrity Board ng Korte Suprema ang mga abogado ni dating Senador Leila de Lima laban kay Muntinlupa RTC Judge Romeo Buenaventura.

Ito ay dahil sa hindi agad pag-inhibit ni Buenaventura sa pagdinig sa kaso ng dating senador dahilan upang mas tumagal sa loob ng kulungan si De Lima

Kabilang sa mga naghain ng reklamo sina Atty. Teddy Rigoroso, Atty. Joseph Leroi Garcia, at Atty. Rolly Peoro.


Ayon sa legal counsel ng mga complainant na si Atty. Cristina Yambot, hindi naging patas si Buenaventura sa hindi agad pag-inhibit sa kaso.

Kinakatawan kasi ng kanyang kapatid na si Atty.Emmanuel Buenaventura ang isa pang akusado sa kaso na si Ronnie Dayan.

Nauna nang sinabi ni Buenaventura na hindi niya alam na tinulungan ng kanyang kapatid si Dayan sa paggawa ng affidavit ni Dayan at pagiging legal adviser noon ng namayapang Rep. Reynaldo Umali.

Ngunit ayon kay Yambot, imposible na hindi ito alam ng hukom.

Facebook Comments