Dating ICI special adviser at Mayors for Good Governance Baguio City Mayor Benjie Magalong, nakiisa sa ikalawang “Trillion Peso March” sa EDSA

Nakiisa ngayong umaga si Mayors for Good Governance Baguio City Mayor Benjie Magalong sa ikinasang Second Trillion Peso March sa EDSA Shrine at People Power.

Ito’y kasabay na rin ng pagdiriwang ng Bonifacio Day, November 30, 2025.

Ayon kay Magalong, mahalaga ang kanilang presensya upang ipakita ang suporta sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at pananagutan sa pamahalaan.

Matatandaang si Magalong ay naging special adviser ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects, bago siya pinalitan ni General Rodolfo Azurin Jr.

Patuloy naman ang kanyang pakikipagtulungan sa komisyon para sa masusing pagsisiyasat sa mga anomalya sa mga proyekto.

Facebook Comments