Dating Ilocos Governor Chavit Singson, nag-sorry matapos hulihin ng MMDA sa paggamit ng EDSA Busway

Humingi ng paumanhin si dating Ilocos Governor Luis “Chavit” Singson matapos siyang tiketan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) enforcers dahil sa paggamit ng EDSA Busway.

Ayon kay Singson, papunta siya sa isang radio interview kaninang alas-9 ng umaga nang mag- take over ang driver niya sa isang sasakyan sa unahan na mabagal ang takbo.

Dahil dito, napunta sila sa special lane para sa under pass sa kanto ng Aurora, Cubao at EDSA sa Quezon City.


Ayon pa kay Singson, nakatakdang tumanggap ng pabuya ang mga MMDA officer na humuli sa kaniya.

Ayon sa dating gobernador, nakipag-ugnayan na siya kay MMDA Chairman Armando Artes upang ibigay sa darating na lunes ang isandaang libong piso para sa mga masisipag na MMDA na humuli at nakapansin sa kanilang paglabag.

Nilinaw ni Singson na ang alok na pabuya ay para lamang sa mga nakahuli upang magsilbing inspirasyon sa iba pang MMDA officer na gawin nang tama ang kanilang tungkulin sa taumbayan.

Nanawagan din sa publiko si Singson na hindi dapat tularan ang ganitong uri ng insidente at magsilbi sanang aral sa iba pang mga motorista.

Facebook Comments