Naga, Philippines – Dederecho papuntang the Netherlands si dating Ilocos Sur Governor at ngayo’y Councilor Chavit Singson.
Ito ay pagkatapos ng biyahe ni Presidente Duterte sa Russia kung saan nakasama ang dating gobernador.
Ayon kay COUNCILOR CHAVIT, inimbitahan siya ni Joma Sison para makapag usap tungkol sa peace talks na isinusulong ng gobyerno.
Sinabi nya na isang problemang nakikita nya ay meron kasalukuyang pag-uusap sa taas ngunit meron namang nangyayaring labanan sa baba.
Sinabi pa ni Councilor Chavit na kukunin niyang pagkakataon na imbitahin si Joma Sison para umuwi dito sa Ilocos Sur sa susunod na taon para makadalo sa bi-centennial celebration ng probinsya.
Si Joma Sison ay nagmula sa bayan ng Cabugao, Ilocos Sur.
DZXL558, *Jun Ramos*