Patuloy na nagiging isyu ang modernisasyon ng Public Utility Vehicles (PUV) sa bansa, kaya’t nagdudulot ito ng pangamba sa mga operator at tsuper sa probinsya ng Pangasinan.
Ayon kay Bernard Tuliao, ang presidente ng One Pangasinan Transport Federation, malaking pasanin para sa kanila ang pagbabayad ng mataas na equity sa mga bangko upang makasabay sa PUV Modernization program.
Batay sa kanilang datos, tanging 5% lamang ng mahigit 3,000 PUV units sa Pangasinan ang na-modernize.
Samantala, ibinahagi ni dating Ilocos Sur Governor at Senatorial Aspirant Chavit Singson ang kanyang plano upang matulungan ang mga tsuper.
Ayon sa sakanya, magpapautang siya ng walang interes sa pamamagitan ng kanyang sariling bangko.
Dagdag pa niya, hindi lang sa pinansyal na aspeto siya makakatulong, kundi pati na rin sa pagpapakilala ng prototype ng mga modernized jeepneys na inaasahang papasok sa merkado sa susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨