Pormal nang binawi ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang kaniyang kandidatura sa pagkasenador sa 2025 midterm elections.
Bandang alas-10:00 ng umaga nang nagtungo si Singson sa Commission on Elections (COMELEC) para personal na maghain ng kaniyang withdrawal.
Una nang sinabi ni Singson na ang pag-atras niya ay bunga ng payo ng doktor matapos tamaan ng pneumonia.
Ayon kay Singson, ilang araw na siyang hindi nakatulog at ayaw naman niyang tamaan muli ng sakit sa ikatlong pagkakataon kaya’t nagpahinga muna bago naghain ng withdrawal.
Tumanggi naman si Singson na ihayag kung magkano na ang nagastos niya sa naudlot na planong kumandidato saka nagpasalamat sa lahat ng sumuporta.
Matapos umatras sa kandidatura, itutuon na lamang niya ang atensyon sa itinutulak na e-jeepney at digital bank sa bansa.