
Binigyan ng executive clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Wala pang inilalabas na detalye ang Palasyo pero mismong si Executive Sec. Lucas Bersamin ang nagkumpirma sa ulat ng kampo ni Mabilog na siya ay ginawaran na ng executive clemency.
Si Mabilog ay dating alkalde ng Iloilo City na umalis ng bansa noon 2017 matapos akusahan at iugnay ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.
Kinasuhan ng Ombudsman si Mabilog dahil sa reklamong grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the best interest of the service at pinarusahan na matanggal sa pwesto at perpetual disqualification.
Pero binawi rin ito ng Court of Appeals noong 2021 matapos panigan ang petisyon ni Mabilog na kumwestyon sa desisyon ng Ombudsman.