Manila, Philippines – Nagpasalamatsi dating Interior Sec. Mike Sueno sa tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte atpagkakatalaga sa kaniya bilang kalihim ng DILG.
Pero nilinaw ni Sueno nakailanman ay hindi siya nasangkot sa anumang uri ng kurapsyon tulad ng umano’yipinupukol na isyu laban sa kanya.
Nilinaw rin ni Sueno nahindi totoong pinakialaman niya ang firetruck deal na nauna nang pinasok ngnakaraang administrasyon mula sa isang supplier na galing sa bansang austria.
Ayon kay Sueno, personalsiyang nagpunta sa Austria para suriin ang mga bibilhing firetrucks ng DILG.
Bilang patunay sinabi ngdating kalihim na higit na mas mura ang mga truck ng bombero na galing saaustria kumpara sa mga locally manufactured na firetrucks at mas magaan anginterest na babayaran ng pamahalaan sa loob ng 23 taon.
Sa huli, sinabi ni Suenona nakahanda siyang sumailalim sa anumang uri ng imbestigasyon para linisin angkanyang pangalan.
Nauna nang isinumbong siSueno ng tatlo sa kanyang mga Undersecretaries kay Pangulong Duterte dahil saumano’y pagkakasangkot ng kalihim sa iba’t ibang uri ng katiwalian.
Dating Interior Sec. Mike Sueno, nagpasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagkakatalaga sa kaniya bilang kalihim ng DILG
Facebook Comments