Dating Isabela Gov. Grace Padaca, Nagulat sa naging hatol ng SandiganBayan laban sa kanya

1227

*Cauayan City, Isabela*-Hindi makapaniwala si dating Isabela Governor Grace Padaca sa naging desiyon ng Sandigan Bayan 3rd Division matapos mahatulang guilty dahil sa kaso ng katiwalian.

Nag-ugat ang kaso sa kwestyunableng paggamit ng P25 Million agricultural funds ng Isabela na inilaan sa private entity na Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. para maipautang sa mga maliliit na magsasaka.


Nahaharap si Padaca sa 12 hanggang 14 na taon na pagkakakulong sa kasong malversation habang 6 hanggang 10 taon naman sa graft.

Pinagbabayad din ng P18 Million sa Isabela government ang dating gobernadora para sa nawalang rice program ng lalawigan.

Matatandaang sinampa ang kaso noong 2007 laban kay Padaca ni dating Isabela 3rd District Rep. Santiago Respicio

Iginiit ng dating gobernadora na wala kahit isang sentimo na halaga ang napunta sa kanya at ito ay pinakinabangan ng mga magsasaka.

Facebook Comments

From Advertisers