Dating janitor na nakapasa sa Bar exam, binigyan ng pagkilala ng Manila City Goverment

84

Manila, Philippines – Binigyan ng pagkilala ng pamahalaang lungsod ng Maynila si Ramil Comendador, ang dating janitor sa COMELEC, na ngayon ay ganap ng abugado matapos mapabilang sa listahan ng Bar examanation passers.

Ayon kay Atty. Ramil Comendador, kahirapan ang pinaka naging motibasyon niya para magsumikap at magpursiging makapagtapos sa pagaaral.

Nagpasalamat rin ito sa Unibersidad ng Maynila at sa COMELEC, kung saan raw niya nais mag trabaho bilang pagtanaw ng utang na loob.

Payo niya ngayon sa mga katulad niyang nangangarap ring maging abugado, magtiwala lang sa sarili at huwag kalimutang manalangin.

DZXL558

Facebook Comments