Pumanaw na si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos barilin habang nagtatalumpati sa Nara, Japan.
Ayon kay Japanese Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno, pasado alas 11:30 ng umaga ng barilin sa likod ang 67-anyos na dating prime minister habang nagtatalumpati ito para sa Upper House election.
Bumagsak si Abe matapos marinig ang dalawang magkasunod na putok ng baril at may umagos na dugo mula sa kanyang leeg.
Isinugod pa sa ospital si Abe at idineklarang nasa state of cardiac arrest, na isang terminong ginagamit sa Japan kapag hindi na nakikitaan ng vital sign ang isang tao.
Isang lalaki na tinatayang nasa 40 taong gulang, na pinaniniwalaang bumaril kay Abe, ang dinakip at nakuhaan ng baril.
Si Abe ang pinakamatagal na nagsilbing Prime Minister ng Japan mula 2006-2017 at 2012- 2020.