Dating journalist, pasok sa economic team ni PBBM

Courtesy: Joee Guilas Facebook

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang dating journalist na si Jose Edwinniel Guilas bilang Undersecretary ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), noong May 15, 2024 pa epektibo ang appointment ni Guilas pero ngayon lamang nailabas ang kanyang appointment paper.

Bago nito, si Guilas ay naging news anchor sa PTV 4, may karanasan sa radyo, kolumnista sa ilang pahayagan, at naging host ng ilang programa sa traditional at digital media.


Naging Vice President at director din si Guilas ng Newport World Resorts.

Samantala, nanumpa na rin si Greg G. Pua Jr., bilang executive director ng Land Transportation Office (LTO) at si Ermelita Valdeavilla bilang Chairperson ng Philippine Commission on Women.

Habang pinangalanan din ang ilang bagong opisyal ng Department of Education (DepEd) at Professional Regulatory Commission (PRC).

Facebook Comments