Iimbitahan ng Senate Committee on Women, Children, And Family Relations si Dating Jusitce Secretary Vitaliano Aguirre sa susunod sa pagdinig ukol sa pastillas scam sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon kay Committee Chairperson Senator Risa Hontiveros, ito ay para mailahad ni Aguirre ang kanyang panig ukol sa akusasyon ng kolumnistang si Mon Tulfo na protektor umano siya ng sindikatong nasa likod ng pastillas modus.
Sa hearing ay sinabi pa ni Tulfo na ang kickback umano ni Aguirre ay inihahatid ng chartered helicopter sa lugar nito sa Mulanay, Quezon.
Sa pahayag namang inilabas ay iginiit ni Aguirre na pawang kasinungalingan ang mga alegasyon ni Tulfo na kanya ng sinampahan noon ng mga kasong libel at cyber libel at plano niyang kasuhan ito muli.
Naniniwala si Aguirre na gumaganti lang sa kanya si Tulfo dahil hindi niya pinagbigyan ang hiling nito na i-consolicate dito sa manila ang kinakaharap na kasong inihain ng INC.
Handa rin si Aguirre na humarap sa pagdinig ng Senado para patunayan na siya ay inosente sa anumalya sa BI.