Dating Kagawad, pinagbabaril sa Dagupan City

Pinagbabaril sa Brgy. Bonuan Gueset Dagupan City ang dating Barangay Kagawad sa harap ng mineral station.
Kinilala ang biktimang si German Torio Ceralde, dating kagawad ng Brgy. Bonuan Binloc Dagupan City.
Ayon sa saksi na nakausap ng iFM Dagupan, 7: 30 ng umaga ng pagbabarilin ng isang lalaking nakamotor at nakasuot ng jacket ang suspek.
Dalawang putok umano ng bala ang narinig ng saksi pagkatapos agad na kumaripas patungong hilagang direksyon.
Naitakabo sa hospital ang biktima at kasalukuyang inooperahan.
Sa ngayon, inaalam pa ang motibo ng pamamaril at hinihingi na rin ng awtoridad ang kopya ng cctv sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Facebook Comments