Dating Kapitan ng Barangay, Nasamsaman ng mga Baril at Bala sa kanyang Bahay

Cauayan City, Isabela- Nahaharap ngayon sa kasong Illegal possession of firearms ang dating Kapitan ng Barangay Cullit, Camalaniugan, Cagayan.

Ito makaraang masamsaman ng ilang baril ng isilbi ng mga otoridad ang search warrant laban sa kanya na ipinalabas ni hukom Nora B Medinaceli-Dorado, Presiding Judge MTC Camalaniugan.

Kinilala ang dating opisyal na si Hector Tollo, 71-anyos, may-asawa, isang magsasaka.


Nakumpiska sa bahay ni Tollo ang isang (1) unit ng Carbine Riffle, dalawang (2) piraso ng steel long magazine para Carbine Riffle, tatlumpu’t limang (35) piraso ng live ammunition para sa Carbine riffle, isang (1) unit ng Caliber 45 pistol na may Serial Number RT012399, isang (1) piraso ng steel magazine para sa Caliber 45, labing-isang (11) piraso ng live ammunitions para sa Caliber 45, labing-pitong (17) piraso ng live ammunitions for Magnum Caliber 22, dalawang (2) piraso ng alloy short magazines para sa M16 Riffle at isang (1) piraso ng holster para sa Caliber 45.

Nananatili pa rin sa kustodiya ng pulisya ang dating opisyal habang dinidinig ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments