Manila, Philippines – Nadagdagan nanaman ang pork barrel case ng dating kongresista ng La Union na si Thomas Dumpit Jr.
Nahaharap na ito ngayon sa ikatlong batch ng pork barrel cases na inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.
Kasong malversation through falsification at graft ang kinakaharap ni Dumpit.
Ayon sa impormasyon ng mga bagong kaso ni Dumpit, noong kongresista pa ito ay naglaan ng kabuuang 14.5 million na pork barrel nya para sa livelihood program ng mga magsasaka sa kanyang distrito sa La Union.
Ang NGO na ginamit sa proyekto ay gumawa umano ng mga pekeng dokumento para palabasin na naipatupad ang livelihood projects ni Dumpit kahit ghost projects ang mga ito.
Facebook Comments