MULI na namang umani ng pambabatikos ang isang dating konsehala ng San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa ginawa nitong pagpo-post sa social media tungkol sa isang pasyenteng naka-kategorya bilang person under investigation (PUI) sa covid-19, na ayon sa mga netizen ay ireponsable, hindi pinag-iisipan at nagresulta ng takot sa residente ng siyudad.
Sa post ni ex- counsilor Irene Bonita del Rosario ay binanggit niya na mayroong isang pasyenteng PUI sa covid-19 sa isang ospital sa SJDM ang hinayaang umuwi ng mga medical staff.
Bukod pa rito ay hayagan din niyang ibinunyag ang lugar kung saan umuuwi ang nasabing PUI.
Ayon sa kanyang post: “Nasaan na ang pasyente na ito? Napuntahan na ba ang bahay niya sa Muzon?”
Sa umiiral na medical information secrecy law na kinilala ng DOH, sinumang indibidwal na nagtataglay mg isang uri o maselang sakit ay may karapat na hindi isapubliko ang anumang impormasyon tungkol dito kabilang na ang pangalan at tirahan.
Dahil sa pagsisiwalat ni del Rosario ng impormasyon kung saan ito nakatira ay lumikha ito ng takot sa lahat ng residente ng Muzon, SJDM kaya naman ganun na lamang ang galit ng mga ito at binatikos ang dating opisyal.
Ayon sa komento ni Dennis Bautista: Ang aga-aga para mamulitika. Kung may reklamo dapat sa DOH o IATF. Huwag gumawa ng intriga. Hindi ito nakakatulong.”
“Sa halip na tumulong ay gumagawa ka ng takot sa residente, wala ka talagang malasakit, kaya ka natalo.” sabi naman ni Lemuel Cruz
“Parang hindi ka naging konsehal, dapat payapain mo at pakalmahin mo ang mga kababayan mo, pero hindi mo ginagawa. Nananakot ka pa sa halip na tumulong ka”, ayon naman kay Mimay Garcia.
Sabi naman ni Angelika Guevara: “I smell something fishy. Malayo pa eleksyon. Nagpost ng ganito para magpapansin.”
“Hindi mo pinag-iisipan ang mga pino-post mo. Sensitive ang issue sa patient-hospital confidentiality, sasabit ka niyan
Kaya ka natalo, bobo ka kasi” sabi naman ni Andrea Salonte.
“Bakit hindi na lang ikaw ang magkaron ng covid-19, tutal wala ka namang silbi kundi mang-intriga”, ayon naman kay Mia dela Peña.