Dating Laguna Gov. ER Ejercito, hinatulang guilty ng Sandiganbayan

 

Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan 4th Division si dating Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito a.k.a. George Estregan Jr. sa kasong graft kaugnay ng umano’y maanomalyang insurance deal noong 2008.

 

Pinatawan si Ejercito ng anim hanggang walong taong pagkakakulong.

 

Ayon sa korte, nagkaroon ng ‘gross inexcusable negligence’ sa panig ni Ejercito at walong iba pang local officials ng Pagsanjan nang pumasok sila sa kasunduan sa First Rapids Care Ventures (FRCV) nang walang isinasagawang public bidding.


 

Layon ng pinasok na insurance deal na maglaan ng “accident protection” at “financial assistance” sa mga turista at boatmen na dumadaan sa Pagsanjan-Gorge Tourist Zone.

 

Bawal na rin siyang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

 

Sa ngayon, pinayagan siyang maglagak ng dagdag na P30,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya sa harap ng intensyong i-apela ang hatol ng anti-graft court.

Facebook Comments