Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 5th Division sa kasong kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials si dating Local Water Utilities Administration Chairman at ngayo’y Surigao Del Sur Rep. Prospero Pichay Jr.
Nahaharap si Pichay sa anim na taon hanggang sampung taon na pagkakakulong at disqualification sa paghawak ng public office matapos mapatunayan ng anti-graft court na guilty beyond reasonable doubt sa kaso ng katiwalian ang nasabing opisyal.
Nag-ugat ang kaso noong 2010 matapos aprubahan ni Pichay ang paglalabas ng ₱1.5 million na pondo para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr. Cup International Chess Championship.
Si Pichay rin ang Presidente noon ng National Chess Federation of the Philippines.