Mabilis na nakarating ang mga kapulisan sa upang respondehan ang itinawag na umano’y kaso ng pang-aabuso sa isang babae sa San Fernando City, La Union.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, isang 33 anyos na babaeng entertainer mula Quezon City ay umano’y inaabuso noon ng kanyang dating kasintahan, na nakilalang 48 anyos at residente sa nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, tinungo ng lalaki ang babae sa kanyang pinagtatrabahuan. Nang tangkaing tumakas ang babae, dito naman naabutan ito ng lalaki at saka niya binato ng kanyang selpon at pinagmumura.
Dito na itinawag sa 911 hotline ng kanyang katrabaho ang insidente na agad ding nirespondehan ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









