Dating Makati Mayor Junjun Binay, tuluyan nang diniskwalipika ng Court of Appeals sa paghawak ng ano mang posisyon sa gobyerno

Nagdesisyon na ang Court of Appeals na tuluyang i-diskwalipika sa anumang posisyon sa gobyerno si dating Makati Mayor Junjun Binay.

 

Kaugnay ito ng P1.3-billion school building project noong 2007.

 

Sa ruling ng Appelate Court, nakasaad na “perpetually disqualified from holding public office” si Binay.


 

 

Pinagtibay ng CA ang July 10, 2017 ruling na guilty si Binay sa “serious dishonesty, grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service”, kaugnay sa Phase 4 ng Makati Science High School project.

 

Nauna nang sinabi ng Office of the Ombudsman na kwestyonable ang pinalabas na “invitations to bid”, at gayung pabor naman sa contractor Hilmarc’s Construction Corporation (HCC).

 

Ayon pa sa Ombudsman, nakipagsabwatan si Binay sa iba pang city para manipulahin ang procurement para sa 10-storey school building.

 

Absuwelto naman si Binay sa iba pang administrative cases kaugnay ng tatlong iba pang phases ng kontruksyon, base sa condonation doctrine.

 

Samantala, ang petitioner na si Eleno Mendoza ay “administratively liable” para lamang sa simple misconduct at may parusang anim na buwang suspensyon nang walang makukuhang sweldo.

 

Ang naturang desisyon ng Appelate Court ay maaari pa namang iapela ni Binay sa Korte Suprema bilang “court of last resort.”

Facebook Comments