Dating Malabon City Mayor at ngayo’y Congressman Antolin Oreta III, inirereklamo sa Ombudsman dahil sa proyektong rehabilitasyon sa Tugatog Public Cemetery

Sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ngayong araw si dating Malabon City Mayor at ngayo’y Congressman Antolin Oreta III kaugnay sa proyekto nitong rehabilitasyon ng Tugatog Public Cemetery at mga iregularidad at pakikipagsabwatan umano nito sa pag-a-award ng kontrata sa nasabing korporasyon.

Ilan sa mga isinampang reklamo sa kongresista ay paglabag sa Code of Sanitation, Government Procurement Reform Act, at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang din sa sinampahan ng reklamo ang contractor nito na International Builders Corporation.

Ayon sa abogado ng complainant na si Atty. Avelino Badillo IV, nag-ugat ang pagsasampa ng reklamo dahil hinukay na lang ng basta-basta ang labi ng kamag-anak ng nagreklamo nang walang abiso, kaukulang permit, at tamang segregrasyon na nagresulta sa pagkakahalo-halo ng mga bangkay.

Facebook Comments