
Kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro na may itinalaga nang bagong kalihim ng Presidential Communications Office (PCO) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay sa katauhan ni Dave Gomez, isang dating journalist at kasalukuyang communications director ng PMFTC, Philip Morris International (PMI) Philippine affiliate.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tinanggap na ni Gomez ang alok ng pangulo kapalit ni acting Secretary Jay Ruiz.
Si Gomez ang uupong ikalimang kalihim sa PCO sa loob ng tatlong taon ng Marcos admin.
Bago ang kaniyang karera sa corporate communications, naging Malacañang reporter din si Gomez ng Philippine Star noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ililipat naman si outgoing Secretary Jay Ruiz bilang miyembro ng board of directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Samantala, itinalaga namang Secretary ng Department of Energy (DOE) si officer-in-charge (OIC) Sharon Garin









