Naglabas ng pahayag si dating Antipolo Congressman Romeo Acop hinggil sa umano’y panggagaya ng ibang presidential candidate sa plataporma ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson.
Ayon kay Acop, hindi na bago ang panggagaya bagama’t ito ay dapat itong seryosohin dahil posible itong magamit sa pagsasamantala.
Dagdag pa ng dating mambabatas na isang mabigat na karangalan ang mga panggagayang ito dahil nagsisilbing gabay sa ibang kandidato ang plataporma at programa ni Lacson.
Aniya, isa itong matibay na senyales na maging ang mga katunggali ni Lacson sa pagkapangulo ay kumbinsido sa kaniyang ng solusyon sa mga problema ng bansa
Gayunpaman, naniniwala si Acop na dapat matigil na ito dahil hindi makakamit ang produktong inaasahan mula sa mga manggagaya at magnanakaw ng plataporma ng ibang kandidato.
Bukod sa dating pulitiko, si Acop ay dating mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).