Dating Mandaluyong Mayor Benhur Abalos, itinalaga bilang bagong MMDA Chairman

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos bilang bagong chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), epetibo ngayong araw, January 11.

Sa text message, sinabi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, si Abalos ang hahalili sa posisyong binakante ni Danilo Lim na pumanaw nitong nakaraang linggo.

Inaasahang manunumpa si Abalos ngayong araw.


Wala pang kumpirmasyon mula sa Malacañang ang appointment ni Abalos.

Ang ama ng alkalde na si Benjamin Sr. ay nagsilbi rin MMDA Chairman mula 2001 hanggang 2002.

Facebook Comments