Dating Manila Mayor Joseph Estrada, posibleng makasuhan

Pinag-aaralan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kasong maaaring isampa kay dating Manila Mayor Joseph Estrada.

Ito ay dahil sa hindi pag-turn over ng mga dokumento sa kasalukuyang alkalde ng lungsod na si Isko Moreno.

Ayon sa DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya – responsibilidad ng mga outgoing mayor na bumuo ng transition team alinsunod sa Memorandum Circular 2019-39 na inilabas ng ahensya.


Inaalam din ng DILG kung anong kaso ang maaaring isampa kay Estrada habang nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon.

Pinuri rin ng ahensya sina Mayor Isko at Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa mga magagandang inisyatibo nila sa unang linggong pagkakaupo.

Sabi ni Malaya – dapat magsilbing ehemplo sa iba pang mga alkalde sa bansa.

Samantala, pinaaalahanan ng DILG ang lahat ng bagong upong lokal na opisyal na magsumite ng kanilang ‘100 days agenda plan.’

Facebook Comments