Dating Marawi City Mayor Ali, pinasusuko ng AFP

Manila, Philippines – Hinamon ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla si dating Marawi City Mayor Solitario Ali na lumutang na kung totoong wala itong kinalaman sa nagaganap na giyera sa Marawi City dulot ng panggugulo ng teroristang Maute.

Ayon kay Padilla, kung totoong malinis ang hangarin ni Ali, dapat nitong harapin ang arrest order para malinis ang kanyang pangalan.

Si Ali ay kasama sa martial law arrest order number 2 na nilagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.


Sinasabing si Ali ang isa sa mga nagbigay ng pondo sa teroristang Maute group.

Facebook Comments