Dating Marawi City Mayor Salic Umpar Fajad,inaresto ng Misamis Oriental PNP dahil sa kasong rebelyon

Marawi City, Philippines – Naaresto na ng mga operatiba ng Misamis Oriental PNP si dating Marawi City Mayor Salic Umpar Fajad.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Northern Mindanao Regional Police Office, naaresto si Fajad sa isang checkpoint sa bahagi ng Martin Villanueva sa naturang lalawigan.

Nahaharap si Fajad sa kasong rebelyon o paglabag sa article 134 ng revised penal code dahil sa pagkakasangkot nito sa pag-atake ng grupong Maute sa Marawi City.


Sakay ng kulay puting ford ranger si Fajad kung saan, nakumpiska rito ang ilang hindi pa tinukoy na armas.
DZXL558

Facebook Comments