Dating mataas na opisyal ng LTFRB, hinatulang makulong ng Sandiganbayan dahil sa katiwalian

Pinatawan ng Sandiganbayan ng mula anim hanggang sampung taong pagkakakulong si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Samuel Jardin.

Ito ay matapos na mapatunayang guilty sa kasong katiwalian si Jardin.

May kinalaman ang kaso sa panghihingi ni Jardin ng P4.8-M kapalit ng pag-apruba nito sa prangkisa ng PUJ operator na si Michelle Sapangila noong 2019.

Sa 88 pahinang desisyon ng Sixth Division ng Sandiganbayan, mas tinimbang ng korte ang mga ebidensya at testimonya ng complainant.

Dahil dito, pinababalik ng korte sa gobyerno ang P4.6 million na tinanggap ni Jardin.

Bukod sa pagkakakulong ay diskwalipikado na rin na humawak pa ng anumang pwesto sa gobyerno si Jardin.

Sa ilalim ng pamumuno ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade ay una na ring pinatawan ng 3-buwang preventive suspension si Jardin.

Facebook Comments