Dating mayor ng Lagayan, Abra, patay sa pamamaril

Patay ang dating alkalde ng Lagayan, Abra matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa mismong harapan ng kanilang bahay sa Barangay Dangdangla, Bangued, Abra kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Jendricks Luna, 54 taong gulang.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pasado alas-8:22 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Nakaupo lamang sa harap ng bahay ang biktima nang biglang dumating ang apat na armadong suspek na sakay ng dalawang motorsiklo.

Agad pinaputukan ang biktima at nagawa pang maisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin.

Sa ngayon, patuloy ang dragnet operation ng pulisya para matunton at madakip ang mga suspek.

Facebook Comments