Dating Mayor ng Lasam at 3 iba pa, Patay sa Pamamaril

146

Cauayan City, Isabela- Patay ang dating alkalde at kasalukuyang konsehal ng bayan ng Lasam na si Marjorie Salazar at SB Member Eduardo Asuten, 67-anyos na residente ng Calapangan Sur matapos ang nangyaring pananambang sa kanila sakay ng isang SUV bandang 11:30 kaninang umaga sa Barangay IBJ (Ignacio B Jurado) Lasam, Cagayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Lasam PNP, kasama rin sa namatay si John Rey Apil, 24-anyos at Aiza Manuel, 31-anyos na kapwa residente naman ng Brgy. Callao Sur sa naturang bayan.


Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, sakay ang mga biktima ng puting SUV na may plakang YN 1266 ng pagbabarilin ng maraming beses ang kanilang sasakyan ng dalawang private vehicle na walang plaka na kulay blue at puti na kaagad namang tumakas at tinumbok ang timog direksyon matapos ang pamamaril.

Agad namang inalarma ang mga kalapit na istasyon ng pulisya para sa posibleng ikadarakip ng mga salarin habang patuloy ang hot pursuit operation.

Matatandaan na kabilang sa listahan ng ‘narcolist’ ni Pangulong Duterte ang dating alkalde.

Facebook Comments